Sinimulan na ang pagsasaayos ng mga kable at paglilinis ng mga poste sa kahabaan ng FPJ (Roosevelt) Ave sa ilalim ng ‘Anti-Dangling and Illegal Wire Attachment Operations’ ng lokal na pamahalaan.
Layon nitong maiwasan ang disgrasya dulot ng maraming nakaharang at buhol-buhol na mga kable.
Pinangunahan ito ni Assistant City Administrator Atty. Rene Grapilon kasama sina District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at Brgy. Katipunan Kapitan Elmer Baral. Ito ay sa pakikipagtulungan kasama ang Meralco at iba-ibang telecommunications o communication service provider.
Magtatagal ang operasyon hanggang March 1, 2024 kaya inaabisuhan ang publiko na maaaring maging sanhi ito ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.




