Sa tulong ng Anti-Dangling Wire Task Force, Department of Engineering, at MERALCO, isinagawa ang clearing operation sa kahabaan ng Quirino Highway, Barangay Pasong Putik.
Layunin nitong matugunan ang mga suliranin sa mga nakalaylay na kable (dangling wires) at mga overloaded na poste na maaaring magdulot ng panganib sa publiko.
Ang clearing operations ay magpapatuloy sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya para sa kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan.




