Bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan, nagsagawa ang Quezon City Government ng Anti-Dangling Wires clearing operations sa mga sumusunod na lugar:
Molave St., Brgy. Duyan-Duyan
PUD St., Brgy. Escopa III
Capillan St., Brgy. San Antonio
V. Luna Ave. cor. Malumanay St., Brgy. Malaya
Samuel St., Brgy. Sta. Monica
Payatas Rd., Brgy. Payatas
NIA Rd., Brgy. Pinyahan
Feria St., Brgy. Matandang Balara
Tinanggal ang mga nakalaylay at hindi na ginagamit na kable upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan ng paligid at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian.
Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ng Task Force on Anti-Dangling Wires, katuwang ang Quezon City Department of Engineering (QCDE), at sa pakikipagtulungan sa mga barangay, Manila Electric Company (Meralco), at mga telecommunication companies.
Bahagi ito ng patuloy na koordinasyon at regular na inspeksyon ng lungsod kasama ang iba-ibang ahensya.








