Nagsagawa ang Quezon City Government ng Anti-Dangling Wires clearing operations sa Villilia Village, Brgy. Talipapa; Quirino Highway (mula Brgy. Sta. Monica hanggang Brgy. Kaligayahan); Urban St., Brgy. Sienna; Malambing St., Brgy. UP Village; at Masaya corner Senading St., Brgy. Gulod. Sinimulan na rin ang aktibidad na ito sa Elliptical Road corner North Avenue kagabi.
Isinagawa ang mga aktibidad sa pangunguna ng Task Force on Anti-Dangling Wires, katuwang ang Quezon City Department of Engineering (QCDE), sa pakikipagtulungan sa Manila Electric Company (Meralco) at sa iba pang mga telecommunication companies.
Patuloy ang koordinasyon ng Quezon City Government sa mga kaukulang ahensya upang maisakatuparan ang mga kahalintulad na aktibidad sa iba pang bahagi ng lungsod, bilang bahagi ng pangmatagalang programa para sa mas maayos, ligtas, at organisadong lungsod.










