Bilang bahagi ng patuloy na pagsasaayos ng mga lansangan, nagsagawa ang Quezon City Government ng Anti-Dangling Wires clearing operations sa mga sumusunod na lugar:
N. Domingo St., Brgy. Kaunlaran
Baloy St., Brgy. Sto. Niño
Bicoleyte St., Sto. Niño St., at Martan St., Brgy. Commonwealth
Commonwealth Ave., Brgy. Batasan Hills
Ermin Garcia at Yale St., Brgy. E. Rodriguez
Quirino Highway, Brgy. Baesa
San Pedro St., Brgy. Del Monte
St. Dominic 4, Lilac St., Brgy. Culiat
Anislag St., Brgy. Claro
D. Silang St., Brgy. Masagana
Philcoa, Brgy. UP Campus
Isinagawa ang mga aktibidad sa pangunguna ng Task Force on Anti-Dangling Wires, katuwang ang Quezon City Department of Engineering (QCDE), sa pakikipagtulungan sa Manila Electric Company (Meralco) at sa iba pang mga telecommunication companies.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Quezon City Government sa mga kaukulang ahensya upang magsagawa ng Anti-Dangling Wires Clearing Operations sa iba pang mga lugar sa lungsod. Bahagi ito ng pangmatagalang programa ng Pamahalaang Lungsod Quezon para sa mas maayos at ligtas na lungsod.










