Nagsagawa ng Anti-Dangling Wires Clearing Operations ang Quezon City Government, sa pakikipagtulungan ng Meralco, mga telecommunication companies, Task Force on Anti-Dangling Wires, at Department of Engineering (QCDE), sa mga sumusunod na lugar: Mendez Road cor Dominga Village, Brgy. Baesa; Masaya Townhomes, Brgy. U.P. Village; at Mabahagin St., Brgy Teacher’s Village East.
Bilang bahagi ng kampanya para sa kaligtasan at kaayusan ng mga lansangan, inalis ang mga nakalaylay na kable, kabilang ang mga patay na linya at iba pang wiring na maaaring magdulot ng panganib upang maiwasan ang aksidente at banta sa publiko.
Isinagawa ang mga operasyong ito katuwang ang mga kaukulang ahensya upang matiyak ang maayos na pamamahala ng mga aktibong kable. Patuloy na magsasagawa ang Quezon City Government ng mga anti-dangling wires clearing operations sa iba pang lugar sa lungsod bilang bahagi ng ating pangmatagalang programa.








