Bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan sa mga lansangan, nagsagawa ang Quezon City Government ng Anti-Dangling Wires clearing operations sa Commonwealth Ave., Brgy. Holy Spirit; at sa A. Bonifacio Ave. cor Sto. Cristo St., Brgy. Balingasa.
Isinagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng Department of Engineering (QCDE), Task Force on Anti-Dangling Wires, Meralco, at mga telecommunication companies. Sa aktibidad na ito, inalis ang mga nakalaylay at hindi na aktibong kable upang mapanatili ang maayos na kondisyon ng lugar at matiyak ang kaligtasan ng mga dumaraan.
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng regular na inspeksyon at koordinasyon ng lungsod sa mga kaukulang ahensya, at magpapatuloy ang Quezon City Government sa pagpapatupad ng mga kahalintulad na aktibidad sa iba pang lugar sa lungsod.








