Nagsagawa ang Quezon City Health Department (QCHD) ng anti-dengue misting at spraying sa Barangay Escopa III ngayong umaga.

Sinuyod ng mga kawani ng QCHD at barangay ang mga eskinita at kalye para mapigilan ang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Bukod dito, umiikot din ang spraying team sa iba-ibang barangay na may kumpirmadong kaso ng dengue. Nagbibigay din ng dengue community lectures, nagsasagawa ng clean-up drives, at lay fora.

Ang anti-dengue misting at spraying ay isinasagawa sa mga lugar na may CONFIRMED dengue cases.

Kung nakararanas na ng sintomas ng dengue tulad ng lagnat, agad na pumunta at magpakonsulta sa pinakamalapit na health center.

+16