Quezon City, mangunguna sa pagsugpo sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children!
Opisyal nang idineklara ni Mayor Joy Belmonte ang Quezon City bilang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) hub ng Pilipinas, sa ginanap na Anti-OSAEC conference sa Novotel Manila sa Cubao.
Sa pagtitipon na dinaluhan din nina Norwegian Embassy – Manila Ambassador His Excellency Christian Halaas Lyster, Mission Alliance General Secretary Heidi Hegertun, Vice Mayor Gian Sotto, Councilor Ally Medalla at Councilor Joseph Juico, tinalakay kung paano nagtutulungan ang mga national, international, at non-government organizations para matuldukan ang OSAEC.
Nagkaroon din ng plenary sessions kung paano tinutugunan ng iba-ibang sektor ang pang-aabuso at exploitation sa mga kabataan.
Layon ng conference na maitaas ang antas ng kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa OSAEC at kung gaano kahalaga ang pakikipag-ugnayan ng bawat organisasyon para maprotektahan at mapangalagaan ang mga kabataan.