Kinilala ang pamahalaang lungsod sa paglulunsad ng ARISE Awards ng Anti-Red Tape Authority kasabay ng kanilang ika-limang anibersaryo ngayong araw.
Layon ng Accelerating Reforms for Improved Service and Efficiency Awards (ARISE) Awards na kilalanin ang mga natatanging local government units sa kanilang pagpapatupad ng Ease of Doing Business Law.
Kabilang ang QC sa mga lungsod na pinarangalan para sa Compliance with the Electronic One Stop Shop (eBOSS) Requirement. Tinanggap ito nina QC Business Permits and Licensing Department chief Ms. Ma. Margarita Santos at QC Department of Building Official chief Engr. Isagani Versoza.
Inilahad naman ni ARTA Director General Ernesto Perez ang State of the ARTA Address.
Nakiisa rin sina Executive Secretary Lucas Bersamin upang ihayag ang mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., iba-ibang embahada sa bansa, privare sector representatives, at mga kinatawan ng mga ahensyang ka-partner ng ARTA.