Nagsagawa ng routine inspection ang mga kinatawan ng Anti-Red Tape Authority sa Quezon City Business One Stop Shop na matatagpuan sa Ground Floor Civic Center Building A Quezon City Hall upang tiyakin na sinusunod ng Lungsod ang Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Government Services Act of 2018.

Ipinakita ng Business Permits and Licensing Department sa pangunguna ni BPLD Head Ms. Margie Santos at Assistant City Treasurer Noel Adrias ang mga online processes sa QC e-Services na maaaring gamitin ng mga taxpayer at negosyante upang maiwasan ang pagpunta sa QC Hall at pumila ng mahaba.

Sa QC, maaaring zero contact ang pagbabayad ng business and real property tax gayundin ang pag-apply o pagrenew ng business permit sa pamamagitan ng QC e-Services portal.

Dahil sa QC, Biz is Easy!

+6