Malugod na tinanggap ng Quezon City Government ang mga kawani at opisyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, Bacolod, Tagbilaran, at Pasig, sa pangunguna ng Clean Air Asia, para sa isang benchmarking activity na naglalayong talakayin at ibahagi ang best practices at inisyatiba ng QC sa climate action at air quality management.
Pinangunahan ni Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Valentine Villaroman ang pagbabahagi ng mga programa at proyekto ng lungsod sa pag-monitor ng air quality. Nagbahagi rin ang Clean Air Asia ng mga posibleng hakbang at approach na maaaring isagawa ng mga lungsod para matugunan ang mga hamon sa air quality.
Bumisita rin ang mga kalahok sa control center ng CCESD at sa QC Public Library para makita ang air quality sensor nito. Binisita rin nila ang charging station ng mga electric bus ng lungsod para mas makilala ang mga sustainable efforts ng lungsod.
#BenchmarkingAtQC#QCMoreToExplore










