Antipolo City Government goes to QC Kabahagi Center!
Bumisita ang delegasyon ng Antipolo City Government sa Kabahagi Center for Children with Disabilities para matutunan ang kanilang best practices at kung paano mapatakbo nang maayos ang isang center para sa mga batang may kapansanan.
Ilan sa mga aspeto ng Kabahagi na tinutukan ng grupo ang:
PhilHealth accreditation ng center
Accreditation ng Commission on Higher Education (CHED) para sa Service-Learning program
Child Find, o ang maagap na paghahanap at pagtukoy sa mga batang nangangailangan ng serbisyo
Human resource management o staffing pattern
Pinangunahan nina City Social Welfare Department Head Mr. Frescian Canlas, kasama sina Antipolo City Health Officer Dr. Conception Lat, Human Resource Management Department Head Ms. Love Barcena, City DRRM Head Mr. Enrilito Bernardo Jr., Ms. Teresa Sumaco ng City Accounting Office, Engr. Roberto Duterte ng City Procurement Office, PDAO Social Worker Mr. Jameson Jose, at Antipolo Care Center Therapist Mr. Evan Tolentino ang pagbisita sa center.
Excited kaming makita kung paano bibigyang-buhay ng Antipolo City ang kanilang mga natutunan sa pagbubukas ng Antipolo Care Center. Kasama ninyo ang QC sa layuning ito! ![]()










