Alam niyo bang may kweba sa Quezon City?
Nagsagawa ng site visit ang Department of Environment and Natural Resources (DENR)-NCR at ang Quezon City Government sa Apugan Cave na matatagpuan sa loob ng La Mesa Watershed.
Layunin ng pagbisitang ito na makabuo ng isang comprehensive communication plan para higit pang mapakilala at mapalago ang bagong tagpung kweba.
Kasama sa mga bumisita sa kweba sina Coun. Vito Sotto-Generoso at mga kawani ng lungsod mula sa Climate Change and Environmental Sustainability Department, Tourism Department, Parks Development and Administration Department, Disaster and Risk Reduction Management Office, at ang Public Affairs and Information Services Department.
Ang Apugan Cave ay isang Class II cave at nag-iisang kweba sa loob Metro Manila. Sa kasalukuyan, hindi pa bukas sa publiko ang kwebang ito ngunit maaaring makipag-ugnayan ang mga interesadong partido sa DENR-NCR para makapag-iskedyul ng guided tour.