Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
As of 8:30 AM, mataas na ang water level ng Araneta Creek sa bahagi ng G. Araneta Avenue sa District 1 dahil sa patuloy na pag-ulan sa lungsod, ngunit nananatiling walang pagbaha sa mga kalapit na lugar.
Nakaantabay ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Quezon City Department of Engineering (QCDE), at patuloy na mino-monitor ang water level ng Araneta Creek upang agad na maisagawa ang kinakailangang engineering intervention.
Batay sa geotagged photo, makikita sa DMP Flood Map (lower-left) na ang bahaging ito ng G. Araneta Avenue, in the worst-case scenario, ay maaaring makaranas ng 2 hanggang 5 meters na lalim ng baha.








