KABATAAN PARA SA KALIKASAN! 🌎

Ngayong Araw ng Pagbasa, kasama ni Mayor Joy Belmonte na nagbasa ang grades 4, 5, at 6 students ng Ponciano Bernardo Elementary School (PBES).

Tampok sa reading activity ang bagong libro ng lungsod katuwang ang C40 Cities na “Ako na ang Mauuna.” Ito ay para sa mga kabataang QC na layong maipabatid sa murang edad ang kahalagahan at pangangalaga ng kalikasan.

Nais ng lokal na pamahalaan na maging available ito sa lahat ng eskwelahan sa lungsod upang mamulat ang mga kabataan patungkol sa kalikasan at epekto ng Climate Change.

Nakiisa rin sa pagbabasa sina Schools Division Office (SDO) Superintendent Carleen Sedilla, Dr. Heidee F. Ferrer ng SDO, Education Affairs Unit head Maricris Veloso, Climate Change and Environmental Sustainability Department Education Division Chief Lea Siy-Gaon, at PBES Principal Denish Sison.

#TayoAngQC

#QC85th

+31