Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
HAPPY ARBOR DAY QC! ![]()
![]()
![]()
Sama-samang nagtanim at lumahok sa river clean-up drive ang mga QCitizens sa Riverview Linear Park sa Barangay Batasan Hills.
Ito’y para ipagdiwang ang Arbor Day na pinangunahan ng Parks Development And Administration Department (PDAD) ngayong Linggo.
Nasa 200 native tree seedlings ng Bani, Bitaog, Narra, at Banaba ang itinanim sa bagong parkeng isinasaayos ng lungsod.
Layunin ni Mayor Joy Belmonte na mabilis itong mapaganda para madagdagan pa ang open and green spaces sa QC.
Tumayong kinatawan ni Mayor Joy si District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro kasama sina PDAD head and City Architect Red Avelino, Tourism Department OIC Giana Barata, Kabahagi Center head Karen Sagun, at P/B Jojo Abad.










