Nagsimula nang dumating sa Quezon City Hall ang mga guro kasama ang ballot boxes ng Vote Counting Machines ng COMELEC mula sa Barangay Pasong Tamo.

Bahagi ang Lungsod Quezon sa pilot testing ng COMELEC upang gawing automated ang 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Personal itong sinalubong ni City Treasurer Edgar Villanueva, katuwang ang mga QC Government departments na tulong-tulong sa retrieval operations ngayong gabi.

+11