Iba-ibang Filipino-made products and accessories ang ibinida sa ArteFino Festival sa Poweplant Mall sa Makati, kung saan nagsilbing guest of honor si Mayor Joy Belmonte.

Kabilang sa mga tampok na produkto sa festival ang mga likhang rope necklace ng mga Persons Deprived of Liberty ng QC Female Dormitory na dinisenyo ni Ms Zarah Juan, isang kilalang social entrepreneur.

Bumisita rin sa festival si First Lady Liza Araneta-Marcos, German Ambassador to the Philippines Anke Reiffenstuel, Spark! Philippines Executive Director Maica Teves, at mga kinatawan ng partner institutions ng ArteFino.

Ito ang huling araw ng festival sa Powerplant Mall. Muling magbabalik ang ArteFino festival at mga produktong environment-friendly at proudly Pinoy-made sa Disyembre.