Tampok ang mga obra ng Quezon City Molave Youth (Bahay Pag-asa) sa isinagawang Bagongbuhay Group of Artists (BAGA) Art Exhibition and Sale for a Cause sa Ground Floor Lobby ng Supreme Court of the Philippines. ![]()
![]()
Pormal na binuksan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang exhibit, na dinaluhan nina Court Administrator Associate Justice Midas Marquez, BAGA Artist Joey de Leon, at mga kawani ng Molave Youth Home at iba pang detention facilities sa Metro Manila.
Sa pamamagitan ng BAGA Art Exhibit, naipapakita ang talento at pagkamalikhain ng mga indibidwal mula sa marginalized sectors kabilang ang Children in Conflict with the Law (CICLs). Nagkakaroon din sila ng paraan para mas maipahayag ang kanilang sarili, emosyon, rehabilitasyon, at personal na pag-unlad.
Makikita ang mga artwork ng mga CICL ng Molave Youth Home at iba pang pasilidad sa Metro Manila sa Ground Floor Lobby ng Supreme Court of the Philippines hanggang August 29, 2026.










