Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa ng lungsod sa pagsusulong ng circular economy, sa ginanap na ASEAN Regional Dialogue on Circular Economy ngayong Martes.
Sa session 2 ng dialogue, ibinahagi ng alkalde ang mga inisyatibo ng lungsod para isulong ang sustainability at circular economy, kabilang ang Trash to Cashback, Textile Circularity Hub, Kilo/s Kyusi, at ang pagbabawal sa paggamit ng single-use plastics para sa dine-in customers sa mga restaurant.
Kasama ni Mayor Joy na nagbahagi ng iba-ibang circular economy practices sina Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, Dr. Giyatno, Expert Advisor to the Regent of Ciamis on Economic Affairs and Development Ciamis ng Indonesia, at Cung Trong Cuong, Director ng Institute of Development Studies sa Hue, Vietnam.
Ang ASEAN Regional Dialogue on Circular Economy ay dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan, industry leaders, at civil society organizations sa ASEAN region.










