“Alalahanin mong abo ang iyong pinanggalingan at abo rin sa wakas ang iyong babalikan.”*
Nag-alay ng banal na misa ang pamahalaang lungsod bilang paggunita sa Ash Wednesday. Pinangunahan ito ni Resurrection of Our Lord Parish Administrator Rev. Fr. Rey Hector Paglinawan.
Kasama sa mga dumalo sa misa ay sina Majority Floor Leader Doray Delarmente, Coun. Candy Medina, Coun. Joseph Juico, City Administrator Michael Alimurung, at iba pang kawani ng pamahalaang lungsod.
Ang Miyerkules ng Abo ay ang hudyat ng pagsimula ng Panahon ng Kwaresma. Kilala ang mga araw na ito bilang panahon ng pag-aayuno at paghahanda para sa Kapistahan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.




