Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga hakbang ng lungsod upang palakasin ang citizen participation sa ginanap na Asia-Pacific Dialogue – International Democracy Day, na pinangunahan ng Open Government Partnership (OGP) at United Nations Development Programme (UNDP).
Tinalakay ni Mayor Joy ang Quezon City Participatory Budgeting Ordinance (SP-3520, S-2026), na naglalayong higit na bigyang-daan ang pakikilahok ng mga mamamayan sa proseso ng pagbudget ng lungsod.
Ibinahagi rin niya ang Open Data at Open Infrastructure Dashboards, na nagbibigay ng real-time na datos tungkol sa mga programa at serbisyo ng QC para mas maging bukas at accessible ang impormasyon sa publiko.
Patuloy ding nagbibigay ang lungsod ng capacity development at learning opportunities para sa mga civil society organizations (CSOs). Layunin nitong palakasin ang kanilang kaalaman at kakayahan upang sila ay maging aktibong katuwang sa mga proseso ng pamamahala.








