Iba-ibang programa at hakbang ng lokal na pamahalaan para sa pagsusulong ng pantay at inklusibong komunidad para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ ang tinalakay ni Mayor Joy Belmonte sa isinagawang “Economic Impact of Exclusion Based on SOGIESC* and the Promotion of Inclusion” webinar ng Asian Development Bank Institute.
Kabilang sa binanggit ng alkalde ay kung paano na-protektahan ng Gender Fair Ordinance ang isang mag-aaral para makamit ang kanyang karapatan na ipahayag ang kanyang pagkatao. Ibinahagi rin ni Mayor Joy ang binuong Strategic Action Plan for 2023-2028 ng Quezon City Pride Council na nagse-set ng target at layunin para sa komunidad.
Taun-taon ding nagsasagawa ang lungsod ng commitment ceremony para sa LGBTQIA+ couples. Sinisiguro rin ng QC ang kaligtasan at kapakanan ng mga miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga pasilidad na po-protekta sa kanila mula sa gender-based violence, tulad ng QC Protection Center at Bahay Kanlungan.
Patuloy ang pagsasagawa ng lokal na pamahalaan ng iba-ibang programa at proyekto para sa mga LGBTQIA+ tungo sa iisang layunin na bukas, progresibo, at inklusibong siyudad para sa lahat.