Bumisita sa Lungsod Quezon at sa City Hall ang mga delegado ng 11th Asian Exodus Formation Program na binubuo ng mga iba-ibang relihiyoso at layko mula sa mga bansa sa Asya.
Layon ng programang ito na mabigyan sila ng tamang training at edukasyon patungkol sa migrant pastoral care at pagtugon sa mga isyu sa migration.
Mainit din silang tinanggap ni City Administrator Michael Alimurung bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte.
Iprinisinta naman ng Public Employment Service Office (PESO) ang kanilang Migrant Resource Center (MRC) na tumutugon sa mga pangangailangan ng QCitizen Overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya sa lungsod.
Ipinaliwanag din ng PESO ang MRC programs ukol sa full migration cycle at reintegration programs.




