Sumailalim ang Grade 10 Araling Panlipunan at Senior High School Media Information Literacy (MIL) teachers sa isang training sa Ramon Magsaysay (Cubao) High School (RMCHS) para alamin ang kasaysayan ng bansa gamit ang Murillo Velarde 1734 Map.
Layon nitong tulungan ang mga guro na maisama ang mahahalagang impormasyon kaugnay sa kasaysayan sa kanilang pagtuturo, at hasain ang kanilang critical thinking skills, maging ng mga estudyante, gamit ang iba’t ibang learning tools.
Sanib-pwersa sa training na ito ang Asian Institute of Journalism and Communication (AIJC) at Quezon City Government, sa pangunguna ng Public Affairs and Information Service Department (PAISD) at Education Affairs Unit (EAU), bilang bahagi ng pagsusulong ng media and information literacy (MIL).
Nakibahagi sa session sina AIJC Chairman Mel V. Velarde, AIJC President Therese San Diego Torres, AIJC Trustee and Senior Director for Research, Policy, and Advocacy Ann Lourdes C. Lopez, AIJC Associate Director Janess Ann J. Ellao, PAISD head Engelbert Apostol, at mga kawani ng RMCHS.








