WELCOME TO QC, WOMEN LEADERS! ![]()
Bumisita kay Mayor Joy Belmonte ang mga kababaihang kabilang sa Asian Women Education Mentorship Program ng Council of Asian Liberals and Democrats Women’s Caucus para sa benchmarking activity ng mga best practices ng Lungsod Quezon.
Binubuo ang delegasyon ng mga kababaihan mula sa bansang Pilipinas, Cambodia, Myanmar, Vietnam, Thailand, Taiwan, Malaysia, at Singapore.
Ibinahagi ni Mayor Joy ang kanyang mga karanasan bilang alkalde, kasama ang paglulunsad ng mga inklusibo at progresibong programa, digitalization and transparency, at ang good governance and green initiatives ng lungsod.
Ipinaliwanag naman ni GAD Council Office head Janete Oviedo ang iba-ibang programa at proyektong ng kanilang opisina na kumakalinga sa mga kababaihan, kabataan, at queer community na ipinatutupad sa QC.
Parte ng study tour ang pagbisita ng delegasyon sa mga pasilidad na QC Protection Center, QC Human Milk Bank, QC Jail Female Dormitory, at Tandang Sora Women’s Museum.










