TINGNAN: Kasalukuyang isinasagawa ang asphalt overlay sa Batoda Terminal sa Brgy. Batasan Hills.
Pinangunahan ito ng District 2 Action Office sa pamumuno ni Atty. Bong Teodoro, katuwang ang Quezon City Engineering Department.
Personal na nakipag-ugnayan si Batoda President Genlie Pesico sa District 2 Action Office para sa pagsasaayos ng terminal.
Bahagi ang proyekto ng patuloy na pagsasaayos ng daloy ng transportasyon at pagpapabuti ng karanasan ng mga commuter hindi lamang sa Batasan Hills kundi pati sa mga karatig na lugar.
Kasabay nito, napag-usapan na rin ang mga susunod na hakbang, kabilang ang pagsasaayos ng mga sidewalk sa paligid ng terminal sa ilalim ng QC ReVibe Project, na naglalayong gawing mas maayos, mas ligtas, at mas walkable ang ating mga komunidad.








