Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Natapos na ang pagsasagawa ng asphalt overlay sa Ayala Heights Village, Brgy. Old Balara.
Pinangunahan ito ng District 3 Action Office sa pamumuno ni Atty. Tommy de Castro, katuwang ang Quezon City Department of Engineering (QCDE).
Isinagawa ang proyektong ito upang mapabuti ang kondisyon ng kalsada at matiyak ang mas maayos, ligtas, at komportableng biyahe para sa mga QCitizens sa lugar, kasunod ng naunang asphalt overlay sa Batasan Hills.
Kasabay nito, nagpapatuloy ang pagsasaayos ng mga sidewalk sa ilalim ng QC ReVibe Project, na naglalayong gawing mas maayos, mas ligtas, at mas walkable ang Quezon City.








