Agad na nagpaabot ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 63 pamilyang nasunugan sa Barangay Talayan kahapon.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng assistance sa mga biktima ngayong hapon sa QC Hall. Bawat pamilyang nasunugan ay nakatanggap ng P10,000 para sa house owner at P5,000 para renter at sharer.
Ang mga biktima ay pansamantalang nanunuluyan sa Talayan Covered Court. Binigyan na rin sila ng material assistance, food packs, at hygiene kits mula sa barangay at lokal na pamahalaan.