Agad na nagpaabot ng tulong pinansyal si Mayor Joy Belmonte sa mga residenteng nasunugan sa anim na barangay sa lungsod.
Nabigyan ng tulong pinansyal ang 19 pamilya na biktima ng mga sunog sa Barangay North Fairview, Fairview, Commonwealth, San Bartolome, Payatas, at Sta. Lucia.
Ang mga house owner ay nakatanggap ng P10,000 at sa sharer at renters ay P5,000.
Dumalo rin sa distribusyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, Barangay Payatas P/B Manny Guarin, Barangay Sta. Lucia Kgd. Michael Untalan at Kgd. Wendy Atienza.