Namahagi ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod para sa 55 pamilyang naapektuhan ng naganap na sunog sa Barangay Pasong Tamo.
Bukod sa cash aid, tiniyak din ni Mayor Joy Belmonte ang maayos na relocation site para sa kanila.
Nakatanggap ang mga home owner ng P10,000 habang P5,000 naman para sa sharers at renters.
Dumalo rin sa distribusyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, ang mga tauhan ng Social Services Development Department.