Maraming salamat at maligayang kaarawan, Sen. Bong Revilla, Jr.!
Aabot sa 2,000 magulang ng daycare center pupils mula sa District 2 ang naging benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development.
Nanguna sa pamamahagi sina Mayor Joy Belmonte, District Action Officer Atty. Bong Teodoro, Office of Rep. Ralph Tulfo Chief of Staff Atty. Joren Tan, at Social Services Development Department OIC Carol Patalinhug.
Nakiisa sa AICS distribution sina Coun. Aly Medalla at Coun. Dave Valmocina, mga kapitan at kagawad ng District 2.
Aktibong nakikipag-ugnayan ang tanggapan ni Sen. Revilla, DSWD, at pamahalaang lungsod para mas maraming QCitizens ang maging benepisyaryo ng AICS.