Umabot sa 4,500 residente ng lungsod ang nakatanggap ng P5000 cash assistance mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development, katuwang sina Rep. Arjo Atayde, Rep. Franz Pumaren, Tingog Partylist at lokal na pamahalaan.

Nagkaroon din ng medical mission ang Tingog Partylist kung saan may libreng check-up, laboratory, xray at eyeglasses.

Dagdag pa rito ang “Sebisyo Fair” kasama ang Social Security System, National Bureau of Investigation, Philippine Statistics Office, Government Service Insurance System, at Department of Foreign Affairs.

Namigay din ng grocery package, snack pack at iba pang mga regalo para sa mga benipisyaryo.

Dumalo rito sina Mayor Joy Belmonte, Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Acidre mula Tingog Partylist, District 3 Rep. Franz Pumaren, Sylvia Sanchez na naging kinatawan ni District 1 Rep. Arjo Atayde, Coun. Wency Pumaren, DSWD Rep. Miriam Navarro, at Karla Estrada.

Ang mga sumusunod na barangay sa QC ay may mga Alagang Tingog Center (ATC) kung saan maaaring lumapit para sa medical assistance, transportation assistance, burial assistance, cash assistance at scholarship.

Brgy. Batasan Hills, Quezon City

Brgy. Payatas, Quezon City

Brgy. Bagong Silangan, Quezon City

Brgy. Holy Spirit, Quezon City

Brgy. Kamuning, Quezon City

Brgy. Sta Monica, Quezon City

Maaaring makipagugnayan sa Tingog Partylist https://www.facebook.com/TingogPartyList?mibextid=2JQ9oc para sa anumang katanungan.

+57