Narito ang schedule ng assisted booking ng A1-A3 priority groups sa ilang barangay sa lungsod. Magpalista lang sa inyong barangay, para makakuha ng form na dapat pirmahan.

Para mapanatili ang kaayusan at pagpapatupad ng minimum health and safety protocols, ipinagbabawal po ang walk-in sa ating vaccination centers.

I-check ang mga dokumentong kailangan dalhin sa araw ng inyong pagbabakuna: https://qcprotektodo.ph/pre-vaccination-checklist/

Para sa mga nakapagbook ng kanilang first dose, pakiusap po lamang na dumating ng 15 minuto bago ang inyong schedule at iwasang dumating ng mas maaga upang hindi mapuno ang vaccination centers at mapanatili ang minimum health protocols. Ang pagdating ng sobrang aga sa inyong takdang oras ay hindi garantiya na mauuna sa pila.