Kasabay ng International Day of Persons with Disabilities, nakatanggap ang mga QCitizen persons with disabilities ng assistive devices mula sa lokal na pamahalaan kahapon.
Sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), namahagi ang lokal na pamahalaan ng 70 hearing aid, at 14 prostheses sa mga residenteng lubos na nangangailangan.
Aabot sa 715 indibidwal din ang nakatanggap ng libreng prescription eyeglasses mula sa pamahalaang lungsod.
Ang distribution ng assistive devices ay bahagi ng mga inisyatibo ng lungsod para masiguro ang isang inklusibo at accessible na komunidad lalo na para sa mga persons with disability.








