Ibinahagi ni QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QC DRRMO) Head Bianca Perez at Public Affairs and Information Services Department (PAISD) Head Bert Apostol sa mga opisyal at myembro ng Association of Information Officers in Metro Manila ang kopya ng Quezon City Risk Communication Guidebook.
Ang AIMM ay pinangungunahan ni Usec Goddes Hope Libiran, kasama si Philippine Information Agency NCR Director Emver Cortez. Present din sa pulong ang batikang communicator at Meralco VP na si Joe Zaldarriaga.
Nagsisilbing gabay ang libro para sa mga barangay at ahensya ng lokal na pamahalaan, sa oras na may banta sa kalusugan o kaligtasan ng publiko.
Bahagi rin nito ang ilang hakbang ukol sa social media management.




