Inaatasan ang mga day care elementarya at sekondaryang pampublikong paaralan at ALS na mula face-to-face classes ay lumipat sa Asynchronous/Synchronous Classes bukas, Abril 2.
Base sa QC iRISE UP system, tinatayang aabot sa 41°C ang init bukas, araw ng Martes.
Base sa Memorandum Circular No. 10-A series of 2022 na alinsunod sa DepEd Order No. 037 series of 2022, ipinauubaya sa mga PRIBADONG PAARALAN ang pagpapasya kaugnay sa pagpasok ng mga bata, ngunit hinihikayat na sundin ang mga pambansa o lokal na anunsyo.