Babae ang Mayor ko!
Nagbigay ng talumpati si Mayor Joy Belmonte patungkol sa kanyang personal na karanasan bilang alkalde ng Lungsod Quezon sa idinaos na “Mayora: Mga Kababaihan sa Pakikibaka” sa Ateneo de Manila University.
Ibinahagi ni Mayor Joy ang kahalagahan ng kababaihan bilang mga lider sa Metro Manila, sa QC Government at departments, mga barangay, at iba-ibang programa ng lungsod na para sa mga kababaihan.
Kasama ring nagbigay ng kani-kanilang karanasan sa pamamahala sina Guiguinto, Bulacan Mayor Agatha Paula “Agay” Cruz at Odiongan, Romblon Mayor Trina Alejandra Firmalo-Fabic.
Ang programang ito ay binuo ng Ateneo Entablado, Ateneo de Manila University – Department of Political Science sa pakikipagtulungan sa Mayors for Good Governance.
Dumalo rin sa event sina Dr. Carmel V. Abao, Dr. Maria Luz Vilches, at Dr. Jerry Respeto kasama ang mga estudyante ng Ateneo.




