Wagi ang QC!
Hinirang na Grand Winner ang QCinema International Film Festival sa Best Event Hosting: International Event Category (Cities) sa ginanap na ATOP Pearl Awards 2024 sa South Cotabato.
Nagkamit ng 1st Runner Up ang Maginhawa Food and Arts Hub sa Best Practices for Community-based Tourism Category at 1st Runner Up din ang Sights, Sounds and Flavors of Quezon City para sa Best Tourism Promotions: Brochure Category.
Nakamit din ng lungsod ang 2nd Runner Up para sa “QC Pride Festival: Love, Laban” sa ilalim ng Best Institutionalized Culture and Arts Program Category, habang 2nd Runner Up din ang “Fun & Exciting QC!” para sa Best Tourism Promotions Video.
Kinilala ng Association of Tourism Officers of the Philippines ang mga natatanging tourism programs ng bawat lungsod at munisipalidad na nakatulong sa industriya ng turismo sa pamamagitan ng pagpapalawig ng sining, kultura, ekonomiya, at pag-alala sa kasaysayan ng bansa.
Mas lalo pang pag-iigihan ng pamahalaang lungsod ang paghatid ng makabuluhang programa para i-angat ang mga tourist destination, homegrown talents, at local products na talagang tatak QC!