Sumailalim na ang Quezon City sa audit proper ng 2025 Presidential Award for Child-Friendly Municipality and City (PACFMC) ngayong Lunes.
Humarap sina Mayor Joy Belmonte at ang Team QC sa panimulang validation process at assessment ng mga validator mula sa Council for the Welfare of Children, Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Labor and Employment Office (DOLE).
Ibinida ng alkalde ang iba-ibang programa at polisiya ng lungsod na nagsusulong sa kaligtasan, pag-unlad, at partisipasyon ng mga kabataan, tulad ng QC Children’s Code, QC Human Milk Bank, QC Birth Registration Online, E-Habilin program, BAD ‘yan campaign konta bullying, at Zero Child Labor initiative.
Isa ang Quezon City sa apat na lungsod na pasok sa Highly Urbanized City category ng PACFMC. QC rin ang natatanging siyudad sa National Capital Region na finalist sa patimpalak.
Sasabak sa limang araw na assessment ng PACFMC awarding committee ang QC at mga piling barangay.








