Upang mapag-aralan ang proseso ng paggawa ng tsokolate, bumisita si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Davao City para sa isang study tour sa Auro Chocolates Value Chain.
Personal na inilibot ni Mr. Mark Ocampo, Co-Founder ng Auro Chocolate, si Mayor Belmonte sa kanilang partner farm na Rosa Rosa’s Organic Cacao Demo Farm.
Dito ay ipinakita ang proseso ng pagtatanim at pangangalaga sa tanim na cacao, pagdadala sa Post Harvest Facility para sa fermentation at drying at pagsasagawa ng quality control bago dalhin sa Auro Chocolate Factory sa Laguna.
Bukod sa tsokolate ay nakakagawa rin ng ibang produkto mula sa fossilized cacao leaves tulad bag, wallet at iba pang accessories.
Ang study tour ay bahagi ng pag-aaral tungkol sa technology transfer at posibleng pagkakaroon ng cacao urban farm sa Lungsod Quezon.
Kasama rin sa tour sina QC Food Security Task Force Co-Chairperson and Action Officer Emmanuel Velasco, Joy of Urban Farming Head Ms. Tina Perez, at Mr. Kent Primor, Head of Economic and Trade Advisory ng Embassy of Switzerland in the Philippines.