Mas maaliwalas na ang ilang parte ng Aurora Boulevard kasunod ng pagpapailaw sa bahagi ng LRT-2 Cubao at Anonas Stations.
Sa pangunguna ng QC Department of Engineering, patuloy ang inisyatibo ng QC LGU na gawing mas maliwanag ang mga kalsada para matiyak ang kaligtasan ng publiko.