Tulong-tulong ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa pagsasaayos ng mga dumating na Automated Counting Machines (ACMs) at ballot boxes ng COMELEC na gagamitin sa darating na National and Local Elections 2025.
Dumating ngayong araw sa Amoranto Sports Complex ang mga ACM na inihahanda upang maipadala ito nang maayos sa election precincts sa anim na disrito ng Lungsod Quezon.
Sinubukan na rin ng mga kawani na sukatin ito sa mga pampublikong jeep na gagamitin sa pag-deliver sa mga voting polls sa mga darating na araw.




