Bilang bahagi ng paggunita sa Elderly Filipino week, kinilala ng pamahalaang lungsod ang 10 living centenarian sa flag-raising ceremony sa QC Hall.

Ang mga living centenarian ay makakatanggap ng P100,000 cash incentive mula sa QC Government, sa bisa ng City Ordinance 2542-2016. Pinagkalooban rin sila ng certificate at fruit basket.

Bukod pa rito, ang mga centenarian ay magkakaroon ng monthly allowance, birthday gift, at christmas gift mula sa lokal na pamahalaan.