Isang pagbati sa Brgy. Damayan at Brgy. Nayong Kanluran na hinirang bilang drug-cleared barangays sa lungsod!
Iginawad nina Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council Chairperson at co-chairperson, Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang mga sertipiko at trophy sa mga barangay.
Binigyang pagkilala rin ang QC Police District Station 2 Masambong para sa kanilang kooperasyon upang makamit ang drug-free QC.