PERMANENTENG BAHAY SA QC!
Maagang regalo ngayong kapaskuhan ang natanggap ng 135 pamilyang benepisyaryo ng pabahay ng National Housing Authority (NHA) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, District 2 Rep. Ralph Tulfo, at mga kawani ng NHA ang pamamahagi ng land titles para sa mga residente ng Barangay Holy Spirit at Commonwealth.
Dumalo rin sa programa sina Department of Human Settlements and Urban Development Asec. Atty. Hanica Ong, NHA-NCR East Sector OIC Ar. Kristiansen Gotis, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, P/B Star Valmocina, at P/B Rascal Doktor.




