Pormal nang ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Seal of Good Local Governance (SGLG) sa Quezon City Government.
Mismong sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang tumanggap ng plaque at cheque mula kay DILG-QC Director Emmanuel Borromeo kanina sa flag-raising ceremony.
Ang SGLG ay ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng DILG sa mga LGU na nagpakita ng kahusayan sa pamamahala, at maayos at malinis na paggamit ng pondo ng bayan.