Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa paggawad ng mga medalya kay Pat Rei Jetru Brual Realiza dahil sa kanyang katapangang ipinamalas sa naganap na shooting incident nitong Abril 28, 2025 sa Sampaloc, Manila.
Iginawad ng Philippine National Police (PNP) ang mga karangalang “Medalya ng Kadakilaan,” at “Medalya ng Sugatang Magiting,” kay Pat Realiza habang siya ay nagpapagaling sa PNP General Hospital.
Personal na iginawad ito nina Mayor Joy, PNP Chief Rommel Marbil, PNP-NCR Regional Director PMGen. Anthony Aberin, QCPD OIC PCol Randy Silvio kasama ang iba pang opisyal ng PNP.
Saludo ang lokal na pamahalaan sa iyong ipinamalas na katapangan.




