Pabahay para sa QCitizens!
Natanggap na ng 63 benepisyaryo mula Barangay Sauyo ang susi ng kanilang tahanan na matatagpuan sa Almanova, Richland Drive, Novaliches, Quezon City.
Ang mga dating pinapangarap na bahay ay kanila ng matitirahan at matutulugan.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nag-abot ng certificate at susi ng mga benepisyaryo, kasama sina District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, at Housing Community Development And Resettlement Department head Mr. Ramon Asprer.